Dating mayor sa Samar sugatan sa pananambang

Sugatan sa pananambang ang isang dating alkalde sa bayan ng San Jose de Buan sa lalawigan ng Samar.

Dumadalo sa aktibidad sa piyesta ang 57 anyos na si Ananias Rebato nang siya ay pagbabarilin nang hindi nakilalang mga suspek.

Ayon sa mga otoridad, agad naisugod sa ospital sa Tacloban City si Rebato.

Nasawi naman sa nasabing insidente ang 24 anyos na driver ng dating alkalde na si Severino Tesoro.

Habang patay din ang isa sa mga suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...