Ayon kay Campostela Valley Rep. Maria Carmen Zamora, senior Vice-chairman House Committee on Appropriations,made-delay ang pagpapadala nila ng 2019 national budget sa Senado ngayong linggo dahil na rin sa umanoy P52 bilion insertions na ipina-realligned ni House Speaker Gloria Arroyo para ilaan sa mga mahahalagang proyekto para sa patas na pamamahagi ng pondo.
Nilinaw naman ni Zamora na tinitiyak ng liderato ni Arroyo na ginagawa nila ang lahat para maipasa ang national budget sa ikatlong pagbasa ngayong linggo .
Ginagawa na rin anya ng komite ang lahat para matugunan ang mga backlog na nangyari sa plenary schedule subalit siniguro niya na maipapasa pa rin ang 2019 budget sa takdang panahon.
Matapos ang 11 na araw na plenary deliberations, sa pamamagitan ng viva voce voting, ay inaprubahan sa ikalang pagbasa noong Miyerkules ng gabi ang national budget.
Matatandaan na pansamantalang na nabinbin ang plenary debate sa pambansang pondo matapos na madiskubre ang umanoy P52 billion insertions ng dating liderato ng Kamara na nakalaan para sa mga distrito ng ilang kongresista lamang kaya kinuwestyon ito sa plenaryo at nag convened ang Kamara bilang committee of the whole.