Ayon kay Alejano, nakababahala ang ginawa ng pangulo dahil walang kaalam-alam ang publiko sa biyahe nito abroad.
Sinabi ng mambabatas na walang pormal na anunsyo at hindi rin malinaw kung may naitalagang officer-in-charge habang nasa ibang bansa si Pangulong Duterte.
Paliawanag nito, nakakaalarma ang pangyayari dahil nakasalalay dito ang isyung pang seguridad ng bansa.
Naiintindihan naman anya na kailangan din ng pangulo ng pahinga, subalit mainam aniya na gawin itong pormal.
Kumbinsido naman si Alejano na may sakit at may iniiwasang infection ang Pangulong Duterte sa biyahe nito batay na rin sa naglabasang pictures na naka-mask ito.