Mocha Uson: Hindi ako sinibak

Itinanggi ni dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Sec. Mocha Uson na siya ay sinibak sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay makaraang isang source mula sa Malakanyang ang nagsabi na si Uson ay sinibak ng pangulo.

Ani Uson, paanong mangyayari na siya ay sinibak gayong siya ay mayroong resignation letter.

Maliban dito, si Special Assisant to the President (SAP) Bong Go pa ang nagsabi na tinanggap ng pangulo ang kaniyang resignation.

Sa kaniyang radio show kasama ang kaibigang blogger na si Drew Olivar, binalaan ni Uson ang mga naglabas ng balita na siya ay sinibak na bawiin ang balita dahil kung hindi ay magdedemanda siya.

Read more...