Pangulong Duterte, hindi pa alam ang paghahain ng leave ni Sec. Roque

TOTO LOZANO/Presidential Photo

Hindi pa alam ni Pangulong Rodrigo Duterte na naghain ng isang linggong leave of absence si Presidential Spokesman Harry Roque.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher Bong Go, dadalo pa sa cabinet meeting mamayang hapon si Roque.

Samantala, sinabi naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea na wala pa siyang natatanggap na letter of leave mula kay Roque.

Matatandaang nagpahiwatig si Roque na hindi na siya karapat-dapat na maging tagapagsalita ni Pangulong Duterte matapos hindi malaman na nagpa- check up sa Cardinal Santos Medical Center ang punong ehekutibo noong nakaraang linggo.

Nasundan pa ito nang sabihin ni Roque na nasa Davao ang pangulo noong Sabado gayung nagbakasyon sa Hong Hong ang punong ehekutibo kasama ang kanyang pamilya.

Read more...