Halaga ng ipatutupad na dagdag presyo inanunsyo na ng mga kumpanya ng langis

AFP File Photo

Kasado na ang isa na namang big time oil price hike sa presyo ng produktong petrolyo bukas, araw ng Martes Oct. 9.

Ayon sa Shell, epektibo alas 6:00 ng umaga bukas magdaragdag sila ng P1.45 per liter sa diesel, P1.00 per liter sa gasolina at P1.35 per liter sa kerosene.

Nag- anunsyo na rin ang Petro Gazz ng parehong halaga ng dagdag sa kanilang diesel at gasolina.

Inaasahang sunod na ring mag aanunsyo ng kaparehong halaga ng oil price hike ang iba pang mga kumpanya.

Read more...