Apela ni Sister Fox sa hirit na mapalawig ang kaniyang missionary visa, ibinasura ng BI

INQUIRER PHOTO / RICHARD A. REYES

Ibinasura ng Bureau of Immigration ang apela ni Australian Missionary Sister Patricia Fox kaugnay sa pagpapawalang-bisa ng ahensya sa kaniyang missionary visa.

Sa kaniyang apela, nais sana ni Fox na baligtarin ng BI ang naunang desisyon na nagbabasura sa hirit niyang palawigin pa ang missionary visa na kaniyang hawak.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, ibinasura ng BI ang motion for reconsiderstion ni Fox.

Sa ngayon nakabinbin pa sa DOJ ang petition for review ni Sister Fox hinggil sa pasya ng BI na ipatapon siya pabalik ng Australia.

Dahil dito, inatasan si Fox na mag-apply ng temporary visitors’ visa na magbibigay sa kanya ng 59 araw na pananatili sa bansa habang inaantay ang pasya ngn DOJ.

Read more...