Apat arestado sa buy-bust sa Navotas

NPD-NAVOTAS CPS Photo

Arestado ag apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation na naganap sa Navotas City.

Ikinasa ang buy-bust sa ng mga tauhan ng Navotas Police sa M. Domingo St. Brgy Tangos, Lunes, Oct. 8 ng madaling araw.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Melanie Laderas, 37 anyos at nasa drug watchlist ng Navotas Police; Abelardo Agustin, 58; Kenneth Atienza, 20; at Jhay-ar Miranda, 25.

Dinakip ang apat nang magpositibo ang buy-bust kung saan isang pulis ang nagpanggap na bibili ng P300 halaga ng shabu.

Nakuha mula sa mga suspek ang ilang gramo ng shabu at ang buy-bust money.

Read more...