South at North Cemeteries pinaghahanda na ni Mayor Erap Estrada para sa Undas

Radyo Inquirer File Photos

Tatlong linggo bago ang paggunita ng Undas ngayong taon, ipinag-utos na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang paghahanda sa Manila South at Manila North Cemeteries.

Inaasahan na mas marami ang dadalaw sa mga libingan ngayon taon dahil dikit sa weekend and Nobyembre 1 at 2.

Inatasan na ni Estrada sina directors Dandan Tan ng Manila North Cemetery at Bha Bueza ng Manila South na madaliin ang pagsasaayos ng mga pasilidad sa dalawang libingan lalo na ang mga palikuran at daanan.

Kailangan din aniya na ipaalam na sa publiko na wala munang libing at cremation mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

Hanggang Oktubre 29 rin lang papayagan ang paglilinis ng mga puntod.

Inatasan na rin ni Estrada ang Manila Police District na higpitan na ang seguridad sa dalawang sementeryo.

Read more...