Isa pang gabinete ni Pang. Duterte sasabak sa eleksyon

Inquirer File Photo

Isa pang cabinet member ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maaring sasabak sa 2019 elections.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, tatakbong kongresista ang isa pang cabinet member.

Gayunman hindi na tinukoy ni Andanar kung sinong cabinet member ang magbibitiw sa puwesto.

Mas makabubuti aniyang hintayin na lamang ang filing ng certificate of candidacy na magsisimula na sa Oct 11.

Una rito, sinabi ni Andanar na anim hanggang sa walong miyembro ng gabinete ang maaring sumabak sa nalalapit na eleksyon.

 

Read more...