Dadalo sa Association of Southeast Asian Nations (Asean) Leaders’ Gathering si Pangulong Rodrigo Duterte na gaganapin sa Bali, Indonesia.
Aalis ang pangulo sa Huwebes, October 11.
Ang pagdalo ng pangulo sa naturang pagtitipon ay inanunsyo ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary for Asean Affairs Junever Mahilum-West sa press briefing sa Malacañang.
Ayon kay Mahilum-West, inimbitahan ni Indonesian President Joko Widodo si Pangulong Duterte para dumalo sa pagtitipon.
Sa ngayon, inaasikaso na ng DFA ang posibleng pulong sa pagitan nina Duterte at Widodo.
Ayon sa Asean Legal Information Portal, leader’s gathering ay sidelines ng Annual Meeting of the International Monetary Fund-World Bank Group (AM IMF-WBG) 2018.
Kabilang sa mga deligado ay mga heads of state, finance ministers, central academics, financial at economic actors, practitioners, academics at kinatawan ng mga NGO.