Mahigit 80,000 senior citizens nakinabang sa isang linggong libreng sakay sa MRT-3

Mahigit 80,000 mga senior citizen ang nakinabang sa handog na libreng sakay ng Metro Rail Transit – 3 (MRT-3) sa nakalipas na isang linggo.

Regalo ito ng pamunuan ng MRT sa mga senior citizen sa paggunita ng Elderly Filipino Week.

Ipinagkaloob ang libreng sakay mula Oct. 1 hanggang 7 sa buong operating hours ng mga tren.

Sa kabuuan, sinabi ng MRT-3 na umabot sa 81,701 na senior citizen ang nag-avail ng libreng sakay.

Read more...