Premyo sa Ultra Lotto 6/58 sumampa na sa P1B

Nasa P1 bilyon na ang estimated na jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 sa susunod na bola nito sa Martes, October 9.

Ito ay makaraang wala pa ring nagwagi sa winning number combination ng Ultra Lotto kagabi na 45 21 2 30 7 at 10.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), papalo na sa P1 billyon ang jackpot prize sa Martes, pero estimated pa lang ito at maari pang tumaas depende sa dami ng tataya hanggang sa Martes ng gabi.

Sa datos na inilabas ng PCSO, sa draw ng Ultra Lotto, Linggo ng gabi, may 273 na mananaya na nakakuha ng 5 number combination, 14,949 na mga mananaya ang nakakuha ng na number at mahigit 260,000 na mananaya ang nakakuha ng 3 numero.

Samantala, wala ring tumama sa Super Lotto 6/49 na may jackpot prize na mahigit P89 million.

Read more...