Dumalo si Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro sa flag raising ceremony sa Korte Suprema.
Ito ang huling flag raising ceremony ni De Castro bilang punong mahistrado dahil sa pagsapit niya sa mandatory retirement age na 70.
Kasabay ng flag raising, binati rin si De Castro ng mga empleyado ng Korte Suprema sa kaniyang kaarawan ngayong araw, Oct. 8.
Dumalo din ang siyam na mga mahistrado ng SC at si Court Administrator Midas Marquez.
Sa pagdating sa SC Building sinalubong si De Castro ng red carpet at mga puti at asul na lobo.
Binigyan din siya ng certificate of recoginition para sa kaniyang mahigit 45 taon na serbisyo sa gobyerno.
Sa kaniyang talumpati pinasalamatan ni De Castro ang mga nakasama niya sa hudikatura.
Sinabi rin nitong mami-miss niya ang mga empleyado ng SC na nagbigay sa kaniya ng maraming ala-ala na hindi niya malilimutan.
Sa Miyerkules epektibo ang retirement ni De Castro.