Dating kapitan ng barangay sa Cebu patay sa pananambang

Nasawi sa pananambang ang isang dating kapitan ng barangay sa bayan ng Sibonga sa Cebu.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinagbabaril ng hindi nakilalang mga suspek ang biktimang si Mark Ferdinand Bas, dating barangay captain sa Barangay Lagtang, Talisay City.

Nakitang wala nang buhay si Bas sa Sitio Dumlog, Brgy. Simala sa Sibonga.

Ayon sa mga otoridad, si Bas ay hinihinalang sangkot sa illegal drug trade at nagawa nitong makatakas sa ginawang raid ng mga pulis sa kaniyang bahay kamakailan.

Noon lamang Hulyo 2018, nasawi din sa pananampang ang anak ni Bas na si Art Stephen Bas na barangay kagawad naman at mechanical engineering student sa South Coastal Road sa Talisay City.

Read more...