Patay ang 20 katao matapos maaksidente ang sinasakyan nilang limousine sa New York.
Ayon kay Police Deputy Supt. Christopher Fiore, kabilang sa nasawi ang lahat ng 18 sakay ng SUV-style stretch limo at dalawang pedesrians.
Base sa inisyal na imbestigasyon, hindi nakapreno sa intersection ang limousine at dumeretso sa isang parking lot at bumangga sa isang nakaparang sasakyang.
Sa isang pahayag, sinabi ni Transportation Safety Board (NTSB) chairman Robert Sumwalt na ito na ang maituturing na most deadly transportation accident sa United States sa nakalipas na isang dekada.
Galing ang limo sa mataas na bahagi ng kalsada ay tinatayang tumatakbo ng bilis na 60 miles per hour.
Nangyari ang aksidente kasabay ng paggunita ng Columbus Day sa Amerika.