UN, binalaan ang kanilang mga tauhan na mag-ingat sa “tanim-bala”

Contributed Photo By Nandi Ayahao
Contributed Photo By Nandi Ayahao

Bantayan, i-lock at ipabalot kung gusto talagang makasiguro.

Iyan ang mga payo ng United Nations sa kanilang mga tauhan na mapapadpad sa mga paliparan ng Pilipinas upang makatiyak na hindi sila mabibiktima ng “tanim-bala”.

Kinumpirma ni UN Information Center Manila national information officer Teresa Debuque, na mayroon ngang inilabas na internal note ang UN Department of Safety and Security (UN-NDSS) sa kanilang mga tauhan na nagbibigay babala sa kontrobersyal na scam na namamayagpag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nauna nang ibinahagi ng senior correspondent ng The New York times na si Floyd Whaley sa kaniyang Twitter account ang nasabing internal note o memo ng UN-NDSS sa kanilang mga tauhan.

Sa una ay “United Nations advises staff using Manila airport to ‘keep your luggage with you, lock your luggage, and consider wrapping your luggage,” lamang ang laman ng kaniyang Tweet, pero kalaunan ay nagpost din siya ng kopya ng nasabing memo.

Sabi sa memo, “Officials at Ninoy Aquino International Airport [Naia] are allegedly slipping bullets into passengers’ bags and then trying to extort money from them when bullets are ‘found’ by security. Surveillance at the airport has been stepped up since the complaints began and an investigation has been launched into the personnel accused of involvement. Staff members are advised to keep your luggage with you, lock your luggage, and consider wrapping your luggage in plastic as an extra security measure”.

Iginiit naman ni Debuque na bagaman totoong mayroong ganitong memo, para lamang ito sa mga tauhan ng UN at hindi naman dapat isapubliko.

Read more...