Ayon sa ating Cricket, biktima raw si Mr. Businessman ng modus ng mag-asawang tagapag-hatid ng hustisya.
Sinabi ng ating Cricket na hindi pinagbigyan ni Mr. Businessman ang request na bagong Sports Utility Vehicle (SUV) ni Mr. Prosecutor.
Ang misis ni Mr. Prosecutor ang hukom na may hawak sa kaso ng negosyante na nahaharap sa kasong large scale estafa.
Matindi ang hinihinging regalo ni Mr. Prosecutor, isang SUV na nagkakahalaga ng P3Million.
Sinabi ni Mr. Businessman na hindi nya kayang ibigay ang nasabing request dahil naka-freeze daw halos lahat ng kanyang mga ari-arian sa kasalukuyan.
Ilang araw makaraang mabigo ang kanyang inihihirit na SUV, ipinag- utos ng Judge na may hawak ng kaso na mailipat ang negosyante sa Municipal Jail mula sa Provincial Jail kung saan siya kasalukuyang nakakulong.
Ang katwiran ng Hukom, matindi raw ang VIP treatment na tinatanggap ng negosyante sa loob ng kulungan.
Pati raw mga kapwa-bilanggo ay tumatayong bodyguards at utusan ng nasabing big time na negosyante.
Sinabi ng negosyante na may-ari nh isang Realty company na hindi ito totoo at handa siyang sumailalim sa imbestigasyon.
Nakahanda rin daw siyang idetalye sa publiko ang ginagawa sa kanyang panggigipit ng ilang opisyal ng pamahalaan dahil sa hinalang hanggang ngayon ay limpak-limpak na salapi ang kanyang hawak.
Ang Prosecutor na humirit ng SUV sa isang mayamang negosyante na may kasong large-scale estafa ay si Mr. J….as in Joy Ride.
Ang negosyante naman ay si Mr. D…as in Delata.