Binay hindi aatras kay Poe

bipoe
File photo ng Inquirer.net

Hindi dahilan ang pagbaba sa Presidential survey para magdalawang –isip si Vice President Jejomar Binay sa kaniyang pagtakbo sa pagka-Pangulo sa 2016 elections.

Ayon kay Senator Nancy Binay, itinuturing nilang “temporary setback” lamang.

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) at ng Pulse Asia, nalamangan nan i Senator Grace Poe si Binay sa rating.

Sinabi ni Senator Binay na batay sa resulta ng Presidential Survey malaki pa rin naman ang suporta kay Binay ng mga botante.

Ayon sa nakababatang Binay, sa kabila ng mga kontrobersiyang ipinupukol sa kaniyang ama, at pilit na paninira ditto ay hindi naman maitatangging marami pa rin ang sumusporta at naniniwala sa kaniya.

Nilinaw ng Senadora na hindi dahilan ang latest na resulta ng mga survey para mag-back out ang kaniyang ama. Marami na aniyang pinagdaanan si VP Binay sa kaniyang mga nagdaang kandidatura, gaya na lamang ng tumakbo ito sa pagka Bise Presidente na mayroong 2% lang na rating sa mga survey./Dona Dominguez-Cargullo

Read more...