Naramdaman ang isang magnitude 3.8 na lindol sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur, madaling araw ng Lunes.
Batay sa inilabas na impormasyon ng PHIVOLCS, naganap ang lindol kaninang alas-4:32 ng madaling araw.
Naitala ang episentro pagyanig sa 19 kilometro timog kanluran ng Pasacao.
May lalim itong 13 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang inaasahang anumang pagkasira sa mga ari-arian maging aftershocks ang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES