Ito ang kinumpirma ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go sa isang text message sa INQUIRER.net.
Ayon kay Go, nasa Hong Kong ang pangulo upang magpahinga.
Sa pamamagitan ng Facebook post ay ibinahagi ni Go ang mga larawan ng pangulo bago pa man kumalat ang anya’y mga ‘fake news’ tungkol sa pangulo.
“Bago maunahan pa ng mga Fakenews, kailangan din magpahinga ng Pangulo,” ani Go.
Nakatakda rin naman anya ito na bumalik agad sa bansa bukas, araw ng Linggo.
MOST READ
LATEST STORIES