(Updated as of 1:00am) Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bahagi ng Camarines Sur alas-10:15 Sabado ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 22 kilometro Hilagang-Kanluran ng Pasacao.
May lalim itong tatlong kilometro.
Naitala ang intensity II sa Sipocot at Libmanan, Camarines Sur habang intensity I naman sa Milaor, Camarines Sur.
Tectonic ang dahilan ng pagyanig at hindi naman inaasahan ang aftershocks.
Hindi rin inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian.
MOST READ
LATEST STORIES