Sinabi ito ni Energy Sec. Alfonso Cusi bilang tulong sa mga apektadong public utility vehicle drivers sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Tinitingnan din nila ng posibleng pag-angkat ng mas murang petrolyo mula sa mga kapit-bansa ng Pilipinas.
Sinabi ni Cusi na malaking bahagi ng petrolyo na ginagamit sa bansa ay galing sa ibayong dagat kaya walang magawa ang pamahalaan sa paggalaw nito sa world market.
Kaugnay nito, nananawagan ang DOE sa sa lahat na maging matipid sa konsumo ng gasolina.
Sa ngayon nagbibigay ang pamahalaan ng tulong sa mga PUV drivers sa pamamagitan ng Pantawid Pasada Program o pamamahagi ng fuel discount voucher sa mga rehistradong operator at driver.