PNP mag-iimbestiga na rin sa recruitment ng NPA sa mga unibersidad

Inquirer file photo

Makikipag-ugnayan ang liderato ng Philippine National Police (PNP) sa Commission on Higher Educations (CHED) kaugnay sa ulat na ilang mga unibersidad ang target para sa recruitment ng New People’s Army (NPA).

Sinabi ni National Capital Regional Police Office Dir. Guillermo Eleazar na gusto niyang malaman ang kung ano ang pwedeng maitulong ng PNP sa nasabing isyu.

Bagaman aminado ang opisyal na hindi na bago ang nasabing gawain ng Communist Party of the Philippines ay makikipag-ugnayan rin sila sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para mapigil ang nasabing recruitment activities.

Naniniwala naman si Eleazar na hindi kinukunsinte ng mga unibersidad ang gawain ng mga teroristang NPA.

Nilinaw rin ng pinuno ng NCRPO na hindi sila basta papasok sa mga pinangalanang unibersidad para mag-imbestiga dahil iginagalang rin nila ang karapatan ng mga mag-aaral sa freedom of expression.

Pero ibang usapan na ayon sa opisyal ng PNP kung gagamitin ang mga mag-aaral na pagpapabagsak ng isang pamahalaan.

Read more...