Sa ika-siyam na pagkakataon ay isa na namang oil price hike ang nakatakdang ipatupad ng mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Sa impormasyon na kanilang ibinigay sa Department of Energy (DOE) aabot sa P1.50 kada litro ang dagdag sa presyo ng diesel.
Aabot naman sa P0.90 bawat litro ang dagdag sa halaga ng gasolina samantalang Piso naman ang sa kerosene o gaas.
Tulad ng kanilang paliwanag sa mga nagdaang oil price increase, isinisi pa rin ng mga kumpanya ng petrolyo sa mahinang Piso at mataas na halaga ng petroleum products sa world market ang panibagong dagdag presyo.
Samantala, inanunsyo naman ng ilang mga transport group na nagbabalak na silang magsagawa ng tigil-pasada sa susunod na linggo dahil sa sunud-sunod na pil price hike.
Sinabi ni Fejodap President Zeny Maranan na isasapinal na lamang ng kanilang samahan ang petsa kung kailan gagawin ang transport hike.