Office of the Press Secretary ibabalik ng Malacañang

Kinumpirma ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang planong panunumbalik ng Office of the Press Secretary.

Sa isang panayam, sinabi ni Andanar na inialok ang posisyon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Handa aniya siyang magsakripisyo para hindi tumakbo si Roque sa nalalapit na 2019 May elections.

Samantala, sinabi naman ni Andanar na walang problema sa kaniya kung italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong posisyon.

Isa aniyang karangalan na magkaroon ng pagkakataon na magsilbi sa bayan.

Read more...