James Reid, puspusan ang ensayo para sa ‘Pedro Penduko’ movie

Photo credit: Epik Studios Facebook page

Nag-eensayo na ng parkour ang Kapamilya young star na si James Reid para sa pelikulang ‘Pedro Penduko.’

Sa Facebook page ng Epik Studios, producer ng nasabing pelikula, makikita ang mga larawan ng pag-eensayo ni James.

Kita sa mga larawan ang pagiging determinado ni James matapos pagdaanan ang iba’t ibang obstacle at paggamit ng stick weapon.

Samantala, nakatakdang ilabas ang pelikula sa susunond na taon sa direksyon ni Treb Monteras II.

Gayunman, wala pang iniuulat kung nasimulan na ang taping nito.

Ang ‘Pedro Penduko’ ay una sa mga nakalinyang ipapalabas na pelikula kung saan tampok ang ilang lokal na superhero sa bansa.

Read more...