ABS-CBN nagsalita sa reklamong sexual harassment ng news anchor at reporter na si Gretchen Fullido

FB Photo

Inirerespeto ng pamunuan ng ABS-CBN ang karapatan ng news anchor at reporter na si Gretchen Marie Fullido sa ginawa nitong paghahain ng reklamong sexual harassment laban sa dalawang opisyal ng network.

Ayon sa official statement ng ABS-CBN, ngayon isinampa na ni Fullido ang reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office ay gagana na ang legal process sa usapin.

Tiniyak din ng ABS-CBN na sineseryoso nila ang usapin ng sexual harassment at hindi nila kinukunsinte ang ganitong gawi sa workplace o sa kanilang mga empleyado.

Katunayan nang magsampa ng administrative complaint si Fullido laban sa supervising producer at segment producer ng network noong November 2017 ay agad umanong gumawa ng aksyon ang network at nagpasya base sa mga isinumiteng ebidensya.

Read more...