Hirit na warrant of arrest sa kasong kudeta ni Trillanes sa susunod na linggo pa maaring madesisyunan

Inquirer Photo | Julie Aurelio

Matapos ang halos walong oras na pagdinig, ipinagpaliban pa ng Makati Regional Trial Court Branch 148 ang paglalabas ng desisyon kung mag-iisyu o hindi ng warrant of arrest laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Nang matapos ang presentation of evidence, nagpalabas ng “order” si Judge Bartolome Soriano kung saan inaatasan ang kampo ni Senator Antonio Trillanes IV na maghain ng formal offer of exhibits hanggang sa Martes, Oct. 9.

Matapos ito, bibigyan naman ang panig ng prosekusyon na magsumite ng komento.

Kapag naisumite na nag mga dokumento ay saka maaring madesisyunan na ang mosyon ng DOJ na magpalabas ng warrant of arrest laban kay Trillanes.

Sa naging pagdinig, nakapagpresinta ng kanilang mga ebidensya at testigo ang magkabilang panig.

Naisailalim din sa examination ang mga testigo.

Read more...