Hindi magpapadala ng warship ang Japan sa nakatakdang international fleet review na pangungunahan ng South Korea sa susunod na linggo.
Ipinabatid na ni Defense Minister Takeshi Iwaya ng Japan sa South Korean government ang kanilang pasya.
Ito ay makaraang hilingin ng Seoul ang pagtanggal sa watawat ng Japanese Navy para sa nasabing aktibidad.
Marami kasing South Koreans ang nagsabi na ang watawat ay nakikita nilang simbolo ng mga naganap noong World War II.
Dahil dito, ipinrotesta nila ang paggamit ng nasabing watawat sa event na magaganap sa Oct. 10 hanggang 14 sa Jeju Island.
Ayon sa pamahalaan ng Japan ang nasabing watawat ay sumisimbolo sa pulang araw na mayroong 16 na sinag.
Nakasaad umano ito sa batas ng Japan at nagsisilbing pagkakakilanlan ng Japanese military na lumalahok sa mga international maritime convention.