Inihain ni Quimbo ang petisyon at hiniling sa SC na atasan ang House of Representatives na kilalanin siya bilang lider ng minorya.
Ani Quimbo, sa 2017 decision ng SC, nakasaad na ang mga bumoto para sa losing candidates para sa house speakership at ang mga nag-abstain ay dapat na bubuo ng minority group sa Kamara.
Binanggit din ni Quimbo ang Sec. 8 Rule II ng Rules of the House na nagsasaad na ang mga miyembro ng Kamara na bumoto sa winning candidate sa house speakership ang bubuo naman ng mayorya.
Bago ang petisyon ni Quimbo, may nauna nang inihaing petisyon ang grupo naman ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas.
Sa petisyon ni Fariñas nais naman nito na si ABS Party-List Rep. Eugene De Vera ang kilalaning minority leader.
Ayon sa grupo ni Quimbo at Fariñas inabandona na ng grupo ni Suarez ang minorya ng iboto nito para sa House Speaker post si Rep. Gloria Arroyo.