Pahayag ito ni Arroyo matapos ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong Sityembre batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa isang panayam ay sinabi ni Arroyo na nangyari na sa kanyang termino ang pagtaas ng inflation pero naibaba ito sa 1.5% kaya naniniwala siya na magagawa ito ng administrasyong Duterte.
Pero panukala rin ng house speaker na dagdagan ang budget ng Department of Agriculture para makatugon sa epekto ng mataas na inflation.
Una nang nagpahayag ng kumpyansa si Arroyo na mareresolba ng gobyerno ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.