Kasunod ito ng pagtawag sa kanya ni Duterte na “mahina” at hindi karapat-dapat na pumalit sa kanya sa harap ng mga alumni ng Philippine Military Academy.
Sa isang pahayag, sinabi ni Robredo na walang may gustong magkasakit ang pangulo pero hindi dapat gawing dahilan ang sakit para siya ay muling maliitin.
Ipinamukha ng pangalawang pangulo kay Duterte ang maling diskarte nito sa nakalipas na dalawang taon na nagresulta sa mas mahal na bilihin, lalong paghihirap ng tao, pagdami ng alegasyon ng kurapsyon at pagpatay sa libu-libong pilipino.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Robredo ang pangulo na umaksyon sa problema ng bayan sa halip na manira ng mga kritiko at palagiang sisihin ang nakaraaang administrasyon.
Ang dapat aniyang gawin ng administrasyon ay umaksyon at magtrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang mga Pilipino.