Balasahan sa gabinete ipatutupad; 6 na kalihim sasabak sa eleksyon

Asahan na ang major revamp sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong buwan.

Anim kasi na kalihim ang nakatakdang sumabak sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maghahain ng Certificate of Candidacy ang anim at bilang pagtalima ay kailangan nilang magbitiw sa pwesto.

Sa October 11 hanggang 17 nakatakda ang filing ng COC para sa 2019 elections.

Ani Roque sa susunod na linggo asahan na ang anunsyo sa mga bagong itatalaga sa gabinete.

Maliban kay Roque, maugong din na tatakbong sinador sina Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go at Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino.

Habang si Cabinet Sec. Leoncio Evasco Jr., at tatakbo umanong gobernador sa Bohol.

Read more...