DPWH may pinakamaraming reklamo ng korapsyon – PACC

Inilabas ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang listahan ng government agencies na mayroong pinakamaraming reklamo ng korapsyon.

Ayon sa PACC, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nanguna sa listahan at mayroong pinakamaraming corruption complaints.

Sumunod naman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Finance (DOF), patikular ang mga attacged agency nito na Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).

Nakasama din sa listahan ang National Commission on Indigenous People (NCIP), Department of Agriculture (DA), Department of Transportation (DOTr) at ang Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa PACC, umabot sa mahigit 400 reklamo ang kanila nang natatanggap, pero sa nasabing bilang 59 lamang ang mayroong kumpletong dokumento at mga testimonya.

Read more...