2 barangay captain, 4 na iba pa huli sa operasyon kontra ilegal na droga

Arestado ang dalawang kapitan ng barangay sa operasyon kontra iligal na droga sa Bansalan, Davao Del Sur.

Kinilala ang nadakip na sina Bitaog Barangay Captain Glymapher Ayoc at Buenavista Barangay Captain Samuel Dicdican.

Naaresto ang dalawa sa kanilang bahay na sinalakay ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion ng PNP.

Ayon kay Police Supt. Maximo Sebastian, nakuha mula mula kay Ayoc ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, 45 caliber na baril, at homemade shotgun habang tatlong sachet ng hinihinalang shabu naman ang nakuha kay Dicdican.

Inamin naman ni Dicdican na dati siyang gumagamit ng ilegal na droga pero tumigil daw siya nang maupo na sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala sa Digos City naman, nadakip ng mga otoridad ang apat na suspek sa ilegal na droga habang nakatakas ang tatlong iba pa.

Read more...