Chris Evans iiwan na ang karakter bilang Captain America

Tinapos na ng aktor na si Chris Evans ang pagganap bilang Captain America.

Sa kaniyang tweet sinabi ng aktor na maitituring na “honor” para sa kanya ang pagganap bilang Captain America sa loob ng walong taon.

Nagpasalamat din si Evans sa mga nakasama niya sa harap man o sa likod ng camera.

Unang ginampanan ni Evans ang role bilang si Steve Rogers noong 2011 sa “Captain America: The First Avenger”.

At nasundan na ito noong 2012 sa pelikulang “The Avengers”; 2014 “Captain America: The Winter Soldier”; 2015 “Avengers: Age of Ultron”; 2016 “Captain America: Civil War”; at 2018 “Avengers: Infinity War”.

Umani naman ng reaksyon sa social media ang pahayag ni Evans.

Marami ang nalungkot na iiwan na niya ang pagiging Captain America.

Ang Facebook Page naman ng Marvel ay nag-tweet ng pasasalamat kay Evans.

Read more...