Matapos ihayag ng produksyon ang pag-alis ni Matti sa nasabing pelikula, naglabas ang direktor ng kanyang statement.
Ayon kay Matti “creative differences” ang dahilan ng kanyang resignation sa pelikula.
Inihayag pa niya na sa loob ng apat na taong paghahanda, pagpaplano at pagbuo ng konsepto para sa bagong bersyon ng pinay “komiks’’ icon nakakalungkot na kailangan niyang magpaalam sa pelikula.
Dagdag pa ni Matti, mahalaga sa kanya ang proyekto dahil sa personal na koneksyon niya sa pelikula.
Ayon kay Matti, una niyang trabaho bilang continuity supervisor ay ang Darna movie ng direktor na si Peque Gallaga na pinangungunahan noon ni Anjanette Abayari noong 1994.
Kaugnay nito nagpasalamat ang direktor sa mga staff at crew ng nasabing pelikula.
Nagpa-abot din ito ng mensahe sa lead star na si Liza Soberano dahil aniya sa “dedication and commitment” nito para gampanan ang iconic role.
Noong isang taon nang ihayag ng Star Cinema na gagawin nila ang bagong bersyon ng Darna sa ilalim ng direksyon ni Matti.
Napag-alaman naman na nakapag-shooting na si Matti ng ilang mga eksena para sa pelikula.