Hokkaido, Japan niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

Niyanig ng may kalakasang lindol ang Hokkaido Japan, Biyernes (Oct. 5) ng umaga.

Naitala ng US Geological Survey ang magnitude 5.3 na lindol sa Hokkaido na noong nakaraang buwan ay tinamaan din ng magnitude 6.7 na lindol.

Wala namang inilabas na banta ng tsunami matapos ang lindol.

Kalaunan ibinaba ng Phivolcs sa 5.2 ang magnitude ng pagyanig na mayroong lalim na 42 kilometers.

Magugunitang noong Sept. 6 tumama ang magnitude 6.7 na lindol sa Hokkaido kung saan marami ang nasawi.

Read more...