Kinumpirma ng partido pulitikal na Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) ang muling pagtakbo bilang senador ni dating Senator Bong Revilla Jr.
Ayon sa inilabas na pahayag ni Lakas CMD President Atty. Martin Romualdez, nabuo ang pasya matapos ang serye ng konsultasyon sa pamilya at malalapit na kaibigan ni Revilla.
Si Revilla ay kasalukuyang nakakulong pa sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame dahil sa kasong plunder.
Sinabi ni Romualdez na susuportahan din ng partido ang mga senatorial candidate na ieendorso ng Hugpong ng Pagbabago regional party ni presidential daughter Sara Duterte-Carpio.
MOST READ
LATEST STORIES