Ito ay matapos mismong ang pangulo na ang nagsabi na noong Miyerkules ay nadala siya sa Cardinal Santos Medical Center at sumailalim sa mga test.
Sa paliwanag ni Roque, hindi niya alam na naospital pala ang pangulo.
Ani Roque, malinaw naman ang isinaad niya sa kaniyang press conference na wala siyang personal knowledge kung nagputa ng ospital ang pangulo noong Miyerkules.
Sinabi rin ni Roque na wala silang planong itago sa publiko ang health condition ni Pangulong Duterte.
Patunay aniya dito ay mismong ang pangulo na ang nagsabi ng pinagdaraanan ng kaniyang kalusugan.
Noong Miyerkules, kapwa itinanggi nina Roque at Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na naospital ang pangulo.