LOOK: Cancelled flights ngayong araw, Oct. 5 dahil sa sama ng panahon

Kanselado ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng CebGo na DG 6009 at 6010 Manila – Basco – Manila.

Ito ay dahil sa nararanasang hindi magandang panahon sa Batanes.

Pinayuhan naman ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng pamasahe.

 

Read more...