Filipino inmate na napaulat na nawawala matapos ang lindol sa Indonesia, nahanap na

Nahanap na ang Filipino inmate na unang napaulat na nawawala matapos ang jailbreak na naganap sa bilangguan sa Indonesia nang magkaroon ng malakas na lindol doon.

Sa ulat ng Philippine Consulate Office, nasa maayos na kondisyon ang Pinoy makaraang mapinsala ng lindol ang bilangguan sa Palu, Indonesia.

Nanatili umano sa kaniyang kaibigan sa Palu ang Pinoy matapos itong makalabas ng bilangguan noong September 28.

Kinumpirma din ng nasabing Pinoy na siya ay binigyan ng permiso ng warden ng Lapas Penitentiary na makitira muna sa kaibigan dahil delikado ang gumuhong bahagi ng kulungan.

Ang nasabing Pinoy na tubong Sulu ay nahatulang makulong ng 14 na taon dahil sa kasong illegal drug possession.

Katunayan siya ang longest serving detainee sa nasabing kulungan na mayroong 800 na mga preso.

Tiwala na sa kaniya ang mga opisyal ng bilangguan at naatasan pa siyang tumulong para mahanap ang mga nawawala pang bilanggo.

Read more...