WATCH: Sara Duterte malabong tumakbong presidente ayon kay Pang. Duterte

Malabong tumakbo na presidente ng Pilipinas si Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte kung tutuusin nga noong nagdaang eleksyon ayaw na sana ni Sara na tumakbong Mayor ng Davao City.

Sinabi ng pangulo na isa iyon sa mga nagpahirap sa kaniyang magdesisyon na tumakbong pangulo ng bansa.

Ayaw umano kasi niyang iwan na lamang basta-basta ang Davao City.

Ito ay dahil nanghihinayang umano siya sa mga nasimulan niya sa lungsod.

Read more...