P3.4M na halaga ng shabu, mga dinamita, nasabat sa magkakahiwalay na operasyon sa Cebu

Photo: Cebu Police Provincial Office

Umabot sa 94 na mga drug personalities ang naaresto sa 105 operasyon na isinagawa sa buong Cebu maghapon ng Huwebes, Oct. 4.

Ang nasabing mga operasyon ay kinapalooban ng mga buy-bust operations, at pagsisilbi ng mga warrant of arrest at search warrant.

Ayon kay Sr. Supt. Manuel Javier Abrugen, umabot sa 329.12 grams ng ilegal na droga na kanilang nasabat na ang halaga ay tinatayang nasa 3.4 million pesos.

May mga nakumpiska ring hindi lisensyadong mga baril at dinamita.

Pinakaraming nasabat na illegal na droga sa bayan ng Consolascion at Aloguinsan.

Sa Daanbantayan Cebu naman, kasamang naaresto ang driver ni Mayor Vicente Loot na si Kherwin Arsenal Arriesgado na most wanted person din sa lugar.

Read more...