18 komunista na ni-recruit ng NPA bilang “first line of defense” sumuko sa militar

FB Photo: 33rd Makabayan IB

Sumuko sa militar ang labingwalong miyembro ng komunistang grupo na “Yunit Milisya” sa Sultan Kudarat.

Ayon kay 2nd Lt. Dennis Gamos, executive officer ng Alpha Company, ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army sumuko ang mga rebelde sa Barangay Midtungok sa bayan ng Sen. Ninoy Aquino.

Isinuko din ng mga komunista ang kani-kanilang mga armas.

Sa pahayag ni Narding Sunap alyas Sulong, lider ng grupo, ni-recruit sila ng New People’s Army para maging “first line of defense” laban sa mga sundalo.

Isang “Ka Makmak” aniya ang nag-isyu sa kanila ng mga armas para makadepensa.

Ang mga sumukong rebelde ay ipiprisinta sa alkalde ng naturang bayan na si Mayor Randy Ecija Jr. sa October 8, 2018, araw ng Lunes.

Read more...