Gayunman, ayon sa PAGASA, dahil sa bagyo ay nakataas pa rin ang gale warning sa mga baybaying dagat ng Batanes, Babuyan Group of Islands, Cagayan, Isabela at Ilocos Norte at mapanganib pa rin ang paglalayag.
Sa 4am advisory ng weather bureau, huling namataan ang bagyo sa layong 825 kilometro Hilaga Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 145 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras at inaasahang maglalandfall sa South Korea.
Ngayong araw, magiging maalinsangan ang panahon sa buong bansa na may posibilidad ng mga pag-ulan, pagkulog, pagkidlat dahil sa localized thunderstorms.