Listahan ng mga kakandidatong senador ng PDP-Laban nabawasan

Sinabi ni Senador Koko Pimentel na mula sa higit 20 pangalan na kanilang pinagpipilian na isasabak sa senatorial race sa susunod na taon, bumaba na lang ito sa hanggang anim.

Sinabi ni Pimentel, na siyang namumuno sa Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban), naghigpit sila sa mga requirements.

Aniya alam na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anim na pangalan at sangayon naman ito.

Paglilinaw pa ni Pimentel na ang anim ay pawang miyembro ng kanilang partido.

Wala pa dito aniya ang mga reelectionist senators sa ibang partido at ipinasa na lang sa kanilang party campaign manager na si Energy Secretary Alfonso Cusi kung mag eendorso sila ng mga hindi nila kapartido.

Dagdag pa ng senador kung hindi sila makakabuo ng kumpletong senatorial line up na 12 ay okay lang din sa kanya.

Read more...