Maaari nang idaan online ng mga biktima ng kalamidad ang kanilang reklamo o hinaing ukol sa distribusyon ng relief goods at disaster response ng gobyerno.
Ito ay sa pamamagitan ng tinatawag na e-Reklamo ng Disaster Responce Assistance and Management Bureau ng Department of Social Weldare and Development (DSWD).
Ayon kay acting Secretary Virginia Orogo, inilunsad ng DSWD ang e-Reklamo upang malaman at mamonitor ng kanilang ahensya ang relief operations at pagresponde ng mga pamahalaan sa mga biktima ng kalamidad gaya ng bagyo.
Sinabi ni Orogo na welcome sa e-Reklamo ang anumang sumbong o report, nangsagayon ay makatulong sa DSWD at iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno na maisa-ayos ang pagbibigay ng serbisyo at tulong sa mga calamity victim.
Sa nabanggit na web-based complaints managemeny system, ang anumang reklamo ay maaaring iparating sa pamamagitan ng pagtetext ng DSWD (space) Name of Complainant (space) Detailed Complaint at i-send sa 3456. Ang kada text ay piso lamang.
Pwede ring i-email ang sumbong sa ereklamo@dswd.gov.ph.