2 nagbebenta ng hindi lisensyadong baril nasawi sa engkwentro sa Maynila

Dead on the spot ang dalawang lalaking nagbebenta ng hindi lisensyadong mga baril matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Tondo, Maynila.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang dalawang mga lalaki.

Ayon sa mga otoridad, nakatanggap sila ng ulat mula sa isang confidential informant tungkol sa pagbebenta ng mga hindi lisensyadong baril, partikular mga kalibre 45 baril, ng mga suspek.

Kaya naman agad na nagkasa ng entrapment operation ang mga pulis laban sa mga ito.

Ngunit nakatunog ang mga suspek na pulis pala ang kanilang katransaksyon, kaya naman agaran silang tumakas sakay ng isang motorsiklo.

Nagkahabulan ang mga ito at ang mga pulis at nang ma-corner ay doon na nagkapalitan ng putok, dahilan upang masawi ang mga suspek.

Tatlong hindi pa batid na kalibre ng baril ang narekober mula sa mga ito.

Ayon sa mga otoridad, posibleng sangkot ang mga suspek sa mga insidente ng pang-ho-holdup at gun for hire.

Read more...